Limampung magsing-irog mula sa mga barangay ng Taguig City ang pinag-isang dibdib sa Kasalang Bayan noong Biyernes, Hunyo 26, 2026 sa Lakeshore Hall sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
Ang libreng Mass Wedding na inorganisa ng City Civil Registry Office, ay nagbigay ng oportunidad para sa matagal nang nagsasama na gawing pormal ang kanilang pagiging mag-asawa.
Ang pinakamatandang ikinasal ay ang 63 taong gulang na si Myrna Lubo at ang kanyang 46 na taong gulang na partner na si Joseph Lubo ng Barangay Pinagsama.
Ang pinakamatagal namang nagsama bago nagpakasal ay sina Juanito at Bernadette Mendija ng Barangay Cembo na 31 taong mag-partner.
May ginawaran din ng pagkilala bilang Best-Dresser Couple at ito ay sina Servillano at Nellie De Guzman ng Barangay Bagumbayan.
Ipinaalala naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa mga bagong kasal na ang pag-iisang dibdib ay isang panghabambuhay na pangakong magmamahalan at dapat ay laging kalakip ang pagdarasal at pagtitiwala.
"Hinahangad ko na hindi ninyo lang pinag-isipan ang desisyong ito, kundi taimtim din ninyo itong ipinanalangin. Ang kasal ay hindi para sa ilang buwan o ilang taon lamang, kundi isang commitment na gagawin ninyo sa isa't isa habang kayo ay nabubuhay," ayon kay Cayerano.
Kabilang din sa mga dumalo sa Kasalang Bayan sina Taguig City Vice Mayor Arvin Ian Alit, First District Representative Ricardo "Ading" Cruz Jr. at Second District Representative Jorge Daniel Bocobo.
[Photo4)
(Mga larawan ng Taguig City Government)
50 Magsing-Irog na Matagal nang Nagsasama, Ikinasal sa Kasalang Bayan ng Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
