Pito na ang nasawi sa bansa na posibleng may kinalaman sa matinding init na nararanasan sa bansa bunga ng El Niño phenomenon.


News Image #1

(Larawan ni Dek Terante)

Ang pito ay may iba pang kondisyong medikal, tulad ng atake sa puso, na bunsod naman ng tumaas na blood pressure na posibleng bunga ng matinding init sa kapaligiran.

Pitumpu't pito katao na ang naiulat na nagkaroon ng karamdmang may kinalaman sa matinding init mula Enero 1 hanggang Abril 29, 2024, ayon sa Department of Health Event-Based Surveillance and Response System.

Animnapu't pito sa mga nagkasakit dahil sa init ay nasa pagitan ng edad 12 hanggang 21 taong gulang.

Samantala, ang buong Metro Manila ay nakakaranas ngayong araw na ito, Mayo 7, ng mapanganib na init na 42 degrees Celsius.

Ang pinakamainit ngayon ay ang Dagupan City, Pangasinan na nasa 46 degrees Celsius.

News Image #2