Nalaglag sa kamay ng Taguig City Police Station (CPS) ang ika-walong Most Wanted Person sa station level sa Taguig City para sa buwan ng Enero nang isilbi ng mga ito ang warrant of arrest sa suspek sa Central Signal Village, Taguig City ngayong Enero 3, 2026.
(Larawan ng Taguig City Police)
Ang suspek, na kinilala lamang sa alyas na Filsan, 33 taong gulang, at isang welder, ay instesto ng Warrant and Subpoena Section dahil sa kaso ng pagdadala ng ipinagbabawal na gamot.
Mayroong Warrant of Arrest na naka-isyu laban kay Filsan na ipinalabas ni Judge Marivic Cudilla Vitor, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 266 ng Taguig City noong Setyembre 29, 2025 dahil sa kasong paglabag sa Section 11, Article II of Republic Act No. 9165 (Possession of Dangerous Drugs).
Alas 9:10 ng umaga nang damputin sa Damayan, Zone 1, Central Signal, Taguig City ang suspek.
8th Most Wanted Person sa Taguig, Naaresto sa Central Signal Village Dahil sa Bawal na Gamot | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
