"There are no ghost projects in Taguig," ang pahayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kasabay ng paghamon na ipakita sa kanya kung mayroon para managot ang dapat managot.

News Image #1

(Larawan ng Senate of the Philippines)

Ang pahayag na ito ni Cayetano sa kanyang social media live video ay bilang tugon sa alegasyon ni Senador Panfilo Lacson na mayroong ghost flood control projects sa Taguig.

Sinabi ni Cayetano na tiningnan na noon ng Office of the Ombudsma ang mga proyekto ng Taguig at walang natagpuang ghost projects na may kinalaman sa flood control.

Sinabi naman ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na bineberipika na ng kanilang Kagawaran ang alegasyong ito ni Lacson.

Aniya, pinatitingnan na nya ito sa District Engineer ng DPWH.