Isang Amerikanong wanted sa Texas ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) at ngayon ay nakadetine sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

News Image #1


Ang 43 taong gulang na Amerikanong si Myklr Aphrodite ay naaresto sa may Roxas Boulevard, Ermita, Manila noong Mayo 2, 2024 ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) ng BI.


Napag-alaman na si Aphrodite ay may arrest warrant mula sa isang US district court sa Mclennan county, Texas na ipinalabas noon pang Disyembre ng nakaraang taon.

Kinasuhan sa korte si Aphrodite ng "unlawful use of criminal instruments" na isang paglabag sa Texas penal code.

Si Aphrodite ay nasa blacklist na ng BI at hinihintay na lang ang proseso ng pagpapatapon laban dito.

(Larawan mula sa BI)