Isang mobile app na makakatulong para malaman ang pinakahuling kaganapan kaugnay ng lagay ng panahon ang inilunsad ng Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (DOST-PAGASA) kasabay ng obserbasyon ng Typhoon and Flood Awareness Week ngayong Hunyo 14 hanggang 20, 2026.
(Larawan ng DOST-PAGASA)
Ang PANaHON mobileapp, ay nagbibigay ng halos real-time na impormasyon sa panahon; alerto sa mga lokasyon, tropical cyclone bulletins, warning sa paparating na ulan, ulat sa baha, at weather forecasts na maaaring makita agad sa mobile device.
Maaaring ma-download ang PANaHON Mobile App sa Google Play Store at App Store na walang bayad sa:
•Google Play Store: https://bit.ly/4ezf7wJ
•App Store: https://bit.ly/4elzf4n
Samantala, ang tema ng Typhoon and Flood Awareness Week ay "Bagyo, Baha, Maghanda Tayo!"
Kabilang din sa aktibidad ng DOST-PAGASA ay ang Kapit-Kaalaman Conversations, MAAGAP Seminar para maging handa ang komunidad sa mga sakuna at iba pang kampanya sa public information.
Ang Pinakahuling Lagay ng Panahon at Ulat Baha, Nasa Mobile App na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
