Kailangang bakunahan ng anti-rabies vaccine ang mga alagang aso at pusa upang hindi maapektuhan ng rabies virus at ikamatay ng mga ito ng maaga.
(Larawan ng Taguig.com)
Mapo-protektahan din ang mga may alaga kung bakunado ang kanilang aso at pusa.
Ang Office of the City Veterinarian ay mag-iikot sa Barangay Central Bicutan, Taguig City sa Oktubre 22, 23, 24, 27 at 28, 2025 upang magturok ng libreng bakuna laban sa rabies.
Magbabahay-bahay sila sa mga sumusunod na kalye ng Barangay Central Bicutan:
Unang araw Oktubre 22, 2025
• Purok 1 A. Bonifacio Street
• Purok 1 Aniceta Street
• Purok 1 Mc Intyre Street
• Reyes Street
• Opao Street
• Deaño Street
• Manalili Street
• Chavez Street
Oktubre 23, 2025
• Ganchero Street
• Pesado Street
• Esfante Street
• Vila Street
• Diaz Street
• Osano Street
• Tangpuz Street
• San Felipe Street
Oktubre 24, 2025
• Lapu-Lapu Street
• San Juan Street
• San Diego Street
• Babas Street
• Martizano Street
• Bañares Street
• Cristobal'Street
• Poolan Street
• Lozañes Street
Oktubre 27 2025
• Rafiñan Street
• Espiritu Street
• Huertas Street
• Arago Street
• Alit Street
• Holganza Street
• Sitio Central Street
• Mangondatu Street
• Delvo Street
Oktubre 28, 2025
• Contreras Street
• Fernandez Street
• Eduria Street
• San Agustin Street
• Sun Flower Street
• Doligoza Street
• Meralco Street
• Paraiso Street
Ang bakuna ay isang inactivated agent na nag-i-stimulate sa immune system ng aso o pusa upang makalikha ng antibodies at T-cells na panlaban sa rabies virus.
Isang taon o higit pang protektado ang alaga kapag nabakunahan ng anti-rabies.
Ang unang bakuna ay ibinibigay sa mga asong 3 buwang gulang. Ang booster shots naman ay taunan.
Anti-Rabies Vaccine Para sa mga Aso at Pusa, Ibibigay sa mga Alaga sa Barangay Central Bicutan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
