Nabali ang buto sa paa ng apat na taong gulang na batang lalaki makaraang madaganan ng harang na bakal na may nakatatak na "BCDA" sa bahagi ng Diego Silang, malapit sa Petron gasoline station, sa C5 Barangay Ususan, Taguig City noong hapon ng Abril 20, 2023.

News Image #1


Ayon kay Nina So, ina ng bata, naglalakad sila ng kanyang anak sa bahaging ito ng C5 bandang alas tres ng hapon noong Sabado nang biglang humangin at bumagsak ang nakalinyang harang na bakal na dumagan sa paa ng bata.

Dinala niya sa Taguig Pateros District Hospital (TPDH) ang kanyang anak, makaraang bigyan aniya siya ng halagang P2, 000 ng mga guwardiyang nakasaksi ng pangyayari. Nilapatan ng lunas ng TPDH ang pinsala sa paa ng bata at sinemento ang bahaging nabagsakan ng bakal.

News Image #2


Nananawagan si So, residente ng Barangay Pinagsama, Taguig City, sa pamunuan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na tulungan sila sa pagpapagamot ng kanyang anak.

"Hindi man lang nila tinali ang bakod nila, nakatayo lang diyan. Hindi inisip na makakadisgrasya sila sa kapabayaan nila. Nabali ang buto sa paa ng anak ko. Kahit piso wala silang ibinigay. Kahit maawa man lang sa bata. Saan ay maaksyunan nila ito," ang pahayag ni So sa Taguig.com.

News Image #3


Ipinagbigay-alam ng Taguig.com sa Kapitana ng Barangay Ususan, Marie Marcelino, ang pangyayari at tiniyak nitong ipaabot niya ang pangyayaring ito sa pamunuan ng BCDA.

(Mga larawan mula kay Nina So)