Bukas na ang aplikasyon para sa Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig para sa mga estudyante sa ikalawang semestre ng school year 2025 hanggang 2026.
Maaaring mag-apply ang mga estudyante online mula Marso 31, 2026 hanggang Abril 15, 2026.
Kailangan lamang na ang aplikante ay 18 taong gulang pataas na naka-enrol na dati sa eskwelahan.
Kailangan ding aktibong botante ito ng Taguig at ang isa sa mga magulang ay aktibo ring botante ng Taguig.
Kailangan ding mahusay ang pag-uugali at maayos ang pagkatao ng estudyanteng aplikante.
Narito ang iba pang mga kinakailangan para ss mag-a-apply para sa Taguig scholarship:
Upang makapag-apply, magtungo lamang sa link na ito: https://scholartaguig.gov.ph
I-click ang "Register Now!" at makakapunta sa https://tlcportal.taguig.gov.ph -
Taguig Citizen's Portal
Gumawa ng sariling account kung wala pa. Kung meron na? magtutungo na sa Step 7 kung saan beberipikahin ang nagawang account at magla-login gamit ang credentials.
Sa TLC Citizens' Portal dashboard, hanapin at i-click ang "TAGUIG SCHOLARSHIP PROGRAM" section. Doon na gagawin anh online application kung saan sasagutin ang mga kinakailangang impormasyon.
Kapag nakumpleto na ang lahat ng sasagutin
, isumite at makakakuha ng confirmation message na ipapadala sa inirehistrong e-mail address.
Magtungo sa Facebook Page ng Taguig Scholarships upang maging updated sa naturang scholarship.
(Mga larawan ng Taguig City Government)
Aplikasyon Para sa LANI Scholarship Program, Bukas na Online | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
