Nag-aalok ng libreng pag-aaral ang pamahalaan ng Singapore sa pamamagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Scholarship sa mga Pilipinong interesadong mag-aral sa Singapore. Libre ang tuition, allowance, akomodasyon at round-trip ticket sa eroplano ng mapipiling Pilipinong scholar.
Ang aplikasyon para sa scholarship ay magtatapos na sa Pebrero 21, 2025 kung kaya't kailangang magmadali na ang mga interesadong estudyante upang makapag-apply na online sa: https://tgs.moe.gov.sg
Ang mga Pilipinong estudyanteng nasa Grade 9 o mas mataas na antas, ipinanganak sa pagitan ng Enero 2, 2009 at Enero 1, 2012, mahusay mag-Inggles, mahusay sa academics at may magandang record sa partisipasyon sa mga co-curricular activities ang maaaring mag-apply sa ASEAN Scholarship.
"Students will have opportunities to broaden their horizons and develop important skills such as leadership, communication and other life skills. They can also help to promote goodwill and understanding among young people from different countries and Singapore," ang pahayag ng Ministry of Education ng Singapore.
Ang scholarship ay para sa apat na taong pag-aaral, mula sa Secondary 3 hanggang Pre-University 2 (Grade 9-12) patungo sa Singapore-Cambridge GCE A-Level certificate o kahalintulad na kwalipikasyon.
Ito ay nire-renew bawat taon depende sa academic performance ng estudyante sa eskwelahan sa Singapore.
Kabilang sa mga sasagutin ng scholarship ay ang
* Annual allowance na may hostel accommodation
* Settling-in allowance
* Return economy airfare
* School fees
* Examination fees para sa GCE O-Level and A-Level (isang beses lamang)
* Medical benefits at insurance cover para sa aksidente.
Ang mga maso-shorlist na aplikante ay iimpormahan isang linggo bago ang selection test na posibleng gawin sa Marso ng taong ito.
Ang selection tests ay posibleng gawin sa Cebu at Manila.
Sa Abril naman ng taong ito ang target na magsagawa ng selection interview.
Sa Mayo 2025 naman ibibigay ang scholarship sa mga matatanggap na Pilipinong estudyante at sa Nobyembre ng taong ito inaasahang mapapalipad na papuntang Singapore ang mga makakapasok sa ASEAN Scholarship.
ASEAN Scholarship sa Singapore, Bukas Para sa mga Pilipinong Estudyante | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
