Ang Marso ay rabies awareness month
Pinayuhan ng Department of Help ang mga mamamayan na maging responsableng pet owners.
Siguraduhing bakunado ang mga alagang pusa at aso at huwag iiwanang mag-isa ang mga maliliit na bata kasama ang mga alagang hayop.
Kailangan ding tiyakin na hindi basta nakakalabas ng bahay ang alagang aso o pusa dahil walang kasiguruhang ligtas sila mula sa mga hayop na may rabies na nasa labas ng bahay.
Ang aso at pusa ay dapat na pinababakunahan ng anti-rabies vaccine ng bawat taon o tuwing ikatlong taon.
Sinabi naman ng Office of the City Veterinarian sa Taguig City na maaari silang puntahan sa kanilang tanggapan sa #4 Model House C6 Road CDRRMO Compound Purok 1 Barangay New Lower Bicutan, Taguig City ng office hours kung nais pabakunahan ng anti-rabies ang kanilang alagang aso at pusa o tumawag sa 0961.704.4743
Samantala, ang mga nakagat o nakalmot ng aso at pusa, kahit na may shots ang hayop, ay kailangang pumunta sa pinakamalapit na Health Center o Animal Bite Center para mabigyan ng kaukulang injection sa anti-rabies at anti-tetanus.
Mayroong libreng konsultasyon ang mga Taguigeños sa health at animal bite centers ng pamahalaang lungsod ng Taguig, at mayroon ding Konsulta Clinics na ka-partner ng PhilHealth.
(Mga larawan mula sa Office of the City Veterinarian - Taguig)
Aso at Pusa, Kailangang Bakunado Laban sa Rabies, Libre sa Taguig Office of the City Veterinarian | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: