Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang nakabalot sa isang garbage bag na may sako pa at nakasilid sa isang asul na maleta sa Purok 5 Barangay Tanyag, Taguig City, ayon sa nagbahagi ng larawang ito sa Taguig.com.
Sa panayam ng Taguig.com kay Capt. Melvin Garcia, tagapagsalita ng Taguig City Police, ang maleta ay posibleng inanod kagabi, Hulyo 23, 2026, sa kasagsagan ng ulan, at pinaghihinalaang nagmula sa Manila Bay at na-trap lamang sa creek ng Barangay Tanyag, Taguig.
"Manila Bay daw ang outlet nyan, malakas daw ang current ng tubig kagabi dahil sa typhoon, tapos dito sa creek ng Tanyag na-trap ang malaking maleta. So, hindi po sa Taguig nangyari ang crime na yan," ang pahayag ni Garcia.
Batay aniya sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang labi ng babae ay buo pa at nasa state of decomposition dahil posibleng dalawa o tatlong araw na itong patay.
(screenshot mula sa video ni YS RA EL)
Ang maleta ay hinila ng isang miyembro ng Flood Control ng Taguig sa Barangay Tanyag dahil nagbara ang kanilang creek.
Inaalam na ngayon ng mga imbestigador ng pulisya ang pagkakakilanlan ng babae.
Kung mayroon pong nakasaksi sa nagtapon ng naturang maleta, o anumang impormasyon na may kinalaman dito, makipag-ugnayan po agad sa Taguig City Police o sa SOCO.
(Larawang kinuha ngayon, Hulyo 24, 2026 at ibinahagi sa Taguig.com ng isang follower.)
Babae sa Maleta, 2 o 3 Araw nang Patay; Inanod sa Barangay Tanyag Creek | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
