Sa Hall of Justice ng Taguig naaresto ang isang 30 taong gulang na babaeng wanted sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
(Larawan ng Taguig City Police)
Isinilbi ng mga tauhan ng Taguig City Police Station ang warrant of arrest kay alyas Danica habang ito ay nasa Hall of Justice sa General Santos Avenue, Barangay Upper Bicutan, Taguig City noogn Enero 1, 2026.
Kasama ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Taguig CPS na nagsilbi ng warrant of arrest kay Danica ang IG RIU-4A at PIT-Rizal. Ito naman ay inilabas ni Judge Byron San Pedro, Presiding Judge ng Family Court, Branch 15 ng Taguig City noon pang Hulyo 9, 2024, na may rekomendadong piyansang ₱3,000.00.
Si Danica ay residente ng Iliya, Buting, Pasig City.
Babaeng 2 Taon nang Wanted sa Kasong Pang-Aabuso sa Bata, Nahuli sa Hall of Justice ng Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
