May bagong bigayan ng cash aid ang pamahalaan para sa may 37.5 milyong Pilipino.

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na dahil sa tumataas na namang presyo ng mga produktong petrolyo bunga ng panibagong sumiklab na tensyon sa Gitnang Silangan, mamamahagi muli ang pamahalaan ng tulong pinansiyal.

Sinabi ng Pangulo na ang 1.5 milyong manggagawang mababa ang suweldo at naberipika ng Social Security System (SSS) ang records ng pamilya ay makakatanggap ng ₱2,000 kada buwan mula ngayong Hulyo Hanggang Disyembre.

News Image #1


Samantala, mayroong ding isang beses na dagdag cash assistance na hanggang ₱2,000 ang ibibigay naman sa
3.5 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Walang Gutom Program.

Sa ilalim ng Uplift Assistance program na ipapatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang agarang tulong ay ibibigay sa may 7.5 milyong sambahayan (grupo ng mga tao o pamilyang nakatira sa iisang bahay), o 37.5 milyong Pilipino sa buong bansa.

Sinabi rin ni Marcos na magbibigay ang pamahalaan ng tulong sa 2.5 milyong mahihirap, at malapit na sa kategoryang mahirap, na mga kabahayan na natukoy sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS). See less