Pinasinayaan kahapon ang bagong gusali ng Taguig Manpower Training and Assessment Center (TMTC) sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
Ito ay extension ng sentrong nasa Barangay Central Signal Village.
Ang mgaagsasanay sa iba't ibang skills tulad ng Electrical Installation Maintenance, Construction Painting, Fashion Technology at Weaving ay sa TMTC magte-training.
"Alam po natin na hitik sa talento ang ating mga kababayan kung kaya't lagi nating pinagsusumikapan na makapaghandog ng mga programang bukod sa maglilinang sa kanilang kakayahan, magbibigay pa sa kanila ng oportunidad na kumita at umasenso sa buhay," ang pahayag ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na nanguna sa pagpapasinaya.
Kabilang sa mga partners ng TMTC sina ang Department of Science and Technology - Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
"With this new facility, the Center will soon offer additional programs such as Fashion Technology, Weaving, and Dressmaking, while the Construction Painting NC II and Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II programs are now transferred to their new and improved training spaces," ang pahayag naman ng TESDA sa kanilang social media page.
Ang TMTC ay pinamumunuan ni Cecille Amaro .
(Larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)
Bagong Gusali (Extension) ng Taguig Manpower Training and Assessment Center, Pinasinayaan sa Barangay Lower Bicutan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
