Mayroon nang aerial platform fire truck ang Taguig City.

Ang kauna-unahang fire truck ng siyudad para sa pagtugon sa emergency sa mga high-rise o matataas na gusali ay ipinakita sa publiko noong Oktubre 8, 2025 sa Federacion Drive, Bonifacio Global City, Taguit City.

News Image #1


Ang trak na ito ng bumbero ay dinisenyo para maabot ang mga matataas na gusali at maging ang mga masisikip na lugar na maraming tao sa panahon ng sakuna.

Mayroon itong modernong mga kakayahan para mapatay ang apoy sa isang sunog, ay kayang magligtas ng mga tao o alagang nasa matataas na lugar.

News Image #2



"The "EAP71" aerial platform fire engine features an 70 meters articulating boom that can reach a height equivalent to a 20-22 storey building. This is designed to reach confined areas, ensuring effective operations in modern city settings. With a lifting capacity of 500 kilograms, the platform is enough to safely carry several rescuers and their equipment. This makes it ideal for complex rescue and firefighting operations in high-rise communities," ang pahayag ng Taguig City sa social media.

Sa halip na mag-pinaandar nina Taguig City Mayor Lani Cayetano at Congressman Jorge Bocobo ang makina ng fire truck, at pinailaw ang emergency blinkers bilang simbolo ng pagsisimula ng paggamit ng naturalng fire truck.

News Image #3


Sinabi ni Cayetano na ang Taguig ay isa sa iilan lamang na mga local government units sa bansa na mayroong ganitong modernong rescue vehicle.

Sinabi ng alkalde na mahalagang maging handa, lalo na sa posibleng pagdating ng malalaking sakuna tulad ng malakas na lindol sa Metro Manila o "The Big One"

"Nagpapasalamat po ako sa mga taxpayers ng Taguig. If not for their commitment, support, and faithful contribution to the city, hindi po magiging posible ito. Our dream and prayer is for this vehicle to be used properly and safely. We also pray for the team who will operate it - dahil mahalaga po sa atin ang kaligtasan ng bawat Taguigeño," ang pahayag ng alkalde.

Nagpasalamat naman si
Enrique Luis Manuel Jr., Chief Operating Officer ng Fort Bonifacio Development Corporation at Director ng BGCEA, sa patuloy na suporta sa layuning maging ligtas ang BGC at ang kabuuan ng Taguig.

Ipinakita ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) kung paano gagamitin ang fire truck at ang mataas na hagdan nito para sa high-rise rescue.

News Image #4


(Mga larawan ng Taguig PIO)