Binuksan na ang bagong Sangguniang Panlungsod Session Hall, SP Session Hall Gallery, at 5th Floor Function Rooms sa New Taguig City Hall sa Cayetano Boulevard, Barangay Ususan kahapon, Marso 27, 2025.
(Larawan ng Taguig PIO)
Ang seremonya ng paglilipat ay pinangunahan nina Senador Alan Peter Cayetano, Taguig City Mayor Lani Cayetano, Taguig-Pateros District Representative Ricardo "Ading" Cruz, Liga President Jorge Bocobo at mga konsehal.
Ang modernong pasilidad ay magiging kaaaya-aya para sa pagsasasagawa ng legislative sessions, conferences, meetings, at iba pang public functions.
(Larawan ng Taguig PIO)
Ang bawat kuwarto ay mayroont state-of-the-art na mga kagamitan para mas epektibo ang paglilingkod sa publiko.
Sinabi ni Mayor Cayetano na ang mga pasilidad ay magbibigay ng dagdag na inspirasyon sa mga nagseserbisyo-publiko.
"We dedicate this facility to the Lord because, of course, we want to do good. Gusto natin na ang bulwagang ito ay maging venue ng pagpapasa ng mga mahuhusay na resolusyon at ordinansa - isang lugar kung saan masasalamin ang transparency at ang commitment natin sa ating mga kababayan. Iangkop natin sa ating pasilidad, maging sa mga modernong gusali at kagamitan, ang kalibre ng ating paglilingkod. We owe it to the public to always deliver excellent service to our people."
(Larawan ng Taguig PIO)
Pinasalamatan naman ni Bocobo ang mga mamamayan ng Taguig na nagbabayad ng buwis.
"This is something that we can be proud of bilang Probinsyudad. Malayo na talaga ang narating natin, at dahil 'yan sa pakikipagtulungan ng ating mga taxpayers. Unang-una, ang pagiging business-friendly ng ating siyudad ang naging susi nito, kasi pumasok ang mga investments at nagkaroon tayo ng pondo para makapagtayo ng ating gusali at mga pasilidad."
Sinabi naman ni Senador Cayetano na ito ay isang matibay na pagpapatunay ng serbisyo sa bayan.
"Ang misyon natin ay di lang yumaman ng yumaman ang city, kung hindi yumaman ang Taguigeño. From the start, we said that. Kapag yumaman ng yumaman ang Taguig, that doesn't mean automatic yayaman ang Taguigeño. So we will invest sa Taguigeño: Education, Health, Livelihood, Public Order and Safety because kapag yumaman ang Taguigeño, yayaman ang Taguig."
Ang ika-limang palapag ay mayroong 5 functiin rooms, 3 exhibit rooms, at isang meeting room.
Ang ika-anim na palapag naman ay ang kinaroroonan ng Sangguniang Panlungsod Session Hall, at ang ika-pitong palapag ang kinalalagyan ng Sangguniang Panlungsod Session Hall Gallery.
Bagong Sangguniang Panlungsod Session Hall at mga Function Rooms ng New Taguig City Hall, Binuksan Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
