Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Bising kaninang alas 2:00 ng hapon, Hulyo 4, 2025.
(Larawan ng PAGASA)
Patungo na ito sa Taiwan subalit may posibilidad pa ring bumalik sa PAR kaya't patuloy ang pagmo-monitor dito ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Samantala, isa pang tropical cyclone-like vortex ang posibleng mabuo sa hilaga-silangang bahagi ng PAR o sa silangan ng Hilagang Luzon, subalit mababa naman ang tsansang ito ay maging isang bagyo.
Sa inilabas namang ulat ng PAGASA kaninang alas 5:00 ng hapon, tinatayang magkakaroon ng malakas na pag-ulan dulot ng buntot ng bagyo ngayon hanggang bukas ng hapon, Hulyo 5, 2025 sa (50-100 mm): Ilocos Norte at Batanes.
Bukas naman ng hapon hanggang Linggo ng hapon, Hulyo 6, 2025, uulan ng 50-100 mm na ulan sa Batanes.
Ang habagat ay magpapaulan din ng malakas sa (50-100 mm): Ilocos Sur at La Union ngayon hanggang bukas.
At bukas naman hanggang Linggo ng hapon, Hulyo 6, ay katamtaman hanggang ss malakas ang pag-ulan (50-100 mm) sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Bagyong Bising, Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility Subalit May Posibilidad na Bumalik | Taguig Balita
Language: Switch to English
