Bahagyang humina ang bagyong Bising (Danas ang international name) habang patungo sa hilaga kanlurang bahagi ng Taiwan ngayong Hulyo 7, 2025.
Kaninang alas 4:00 ng madaling araw, ang mata ng bagyong Bising ay nasa 405 kilometro hilaga-hilaga kanlurang bahagi ng Itbayat, Batanes (24.3°N, 120.8°E).
Dala nito ang hanging nasa 130 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 180 kilometro kada oras.
Ang galaw naman nito ay nasa 25 kilometro kada oras patungo sa hilaga-silangan.
Ang lawak ng hangin ng bagyo ay nasa 390 kilometro mula sa gitna.
Tinanggal na rin ang signal number 1 sa Batanes.
Gayunman, mananatili ang pag-ulan sa Metro Manila at mga lalawigan sa Luzon dahil sa habagat.
Ibinabala ang malakas na alon sa Ilocos Region, Cagayan, Isabela, Aurora, Zambales, Bataan, Quezon, Occidental Mindoro, Masbate, at Romblon.
(Mga larawan ng PAGASA)
Bagyong Bising, Patungo na sa Taiwan; Ang Magpapaulan sa Metro Manila at Mga Lalawigan sa Luzon ay ang Habagat | Taguig Balita
Language: Switch to English
