Humina bilang typhoon ang bagyong Inday (Bavi) subalit patuloy itong nagpapaulan sa Hilagang Luzon.

Kasalukuyan itong nasa 925 kilometro silangan ng Northern Luzon at may dalang 175 kilometro kada oras na bilis ng hangin na may pagbugsong 215 kilometro kada oras. Kumikilos ito patungong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Ang malakas na hangin nito ay nakakasakop sa 870 kilometro mula sa gitna.

News Image #1

(Larawan ng DOST-PAGASA)

Ang wind signal number 1 ay nakataas na sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, hilaga silangang Quirino (Maddela), Apayao, hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Danglas, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Lacub, Daguioman, Dolores, La Paz), Kalinga, silangang bahagi ng Mountain Province (Natonin, Paracelis), silangang Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista), Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran), at ang hilaga at gitnang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, Baras, San Miguel).

Malakas ang ulan dala na rin ng paghila ng bagyo sa Habagat (southwest monsoon)

Mas lalapit pa sa tuktok ng Northern Luzon ang bagyong Inday bukas ng gabi, Hulyo 10, at sa Sabado ng umaga, Hulyo 11, 2026.

Makalipas ito, magtutungo ang bagyong Inday sa katimugang isla ng Japan at maaaring mag-landrall o dumaan ng napakalapit sa hilagang baybayin ng Taiwan.

Lalabas ito sa Philippine Area of Responsibility sa Sabado, Hulyo 11, at maaaring mag-landfall sa silangang baybayin ng China sa Linggo, Hulyo 12.