Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Josie o Haishen kaninang madaling araw, Hulyo 14, 2026

News Image #1

(Larawan ng PAGASA)

Kaninang alas 4:00 ng umaga, ang sentro ng Tropical Storm Josie ay tinatayang nasa 1,085 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

May dala itong hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Kikilos ang bagyong Josie pa-hilaga hanggang bukas, Hulyo 15, bago magtutungo sa hilaga-silangan

Tinayayang lalabas ito ng bansa ngayong gabi o bukas ng umaga.

Ang dalang hangin at ulan ng bagyo ay magpapalakas sa habagat o southwest monsoon ngayong araw na ito sa:

Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.

Bukas, Hulyo 15 sa Ilocos Region, Abra, Apayao, Zambales, Bataan, Batanes, at Babuyan Islands

Huwebes, Hulyo 16 sa Ilocos Region, Abra, Apayao, Batanes, at Babuyan Islands.