Bahagyang bumilis ang bagyong Nando habang patungo sa Philippine Sea, ayon sa huling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas 11:00 ng umaga, Setyembre 19, 2025.
Ang tropical storm na may international name na Ragasa, ay namataan ang sentro sa may 1,005 kilometro silangan ng Gitnang Luzon.
Dala nito ang bilis ng hangin na 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong 90 kilometro kada oras.
Gumagalaw ito sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Ang malakas na ulan at inaasahan bunga ng bagyong Nando at Habagat sa darating na Linggo, Setyembre 21, 2025.
Posibleng itaas na ang Wind Signal No. 1 sa Northern Luzon bukas, Setyembre 20, 2025, at posibleng ang pinakamataas na Wind Signal nito ay umabo sa No. 5.
Kabilang sa uulanin ngayon ang mga sumusunod na lugar:
• Ilocos Region, Zambales, Bataan, Bicol Region, and Eastern Visayas
Bukas (Setyembre 20):
• Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga
Linggo (Setyembre 21):
• Bicol Region, Visayas, Northern Mindanao, at
Caraga
(Photos by PAGASA)
Bagyong Nando, Lumalakas at Bumibilis; Posibleng Umabot sa Wind Signal No. 5 sa mga Susunod na Araw | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
