Isa nang Severe Tropical Storm ang. Nando (international name: Ragasa) at lumalakas pa habang papalapit sa pag-landfall sa bansa.
(Larawan ng PAGASA)
Ang sentro ng malakas na bagyo ay nasa 840 kilometro silangan ng Gitnang Luson.
Ang lakas ng hangin nito ay nasa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 115 kilometro kada oras.
Sa kasalukuyan ay kumikilos ito ng pakanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Ang malakas na hangin nito ay nakakasakop sa 410 kilometro mula sa gitna.
Palalakasin pa ng bagyong Nando ang Habagat habang nalalapit na bumagsak sa lupa.
Itataas ang Wind Signal No. 1 sa Northern Luzon mamaya, Setyembre 20, ng umaga, at maaari ring itaas sa pinakamataas na Wind Signal No. 5 habang dumadaan ito sa kalupaan ng Pilipinas.
Kabilang sa mga makakaranas ng malakas na ulan at hangin ang sumusunod:
Setyembre 20, 2025:
Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga
Setyembre 21. 2025:
Zambales, Bataan, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, at Caraga
Setyembre 22, 2025:
Zambales, Bataan, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Occidental.
Posibleng mag-landfall ang bagyong Nando sa Batanes o Babuyan Islands sa Lunes ng hapon o gabi.
Posibleng lumabas na ito sa Philippine Area of Responsibility sa Martes, Setyembre 23, 2025.
Posibleng marating ng bagyong Nando ang typhoon category ngayong araw na ito at mag super typhoon category sa Lunes bago bumagsak sa Batanes o Babuyan Islands.
Bagyong Nando (Ragasa), Posibleng Umabot sa Super Typhoon Category Bago Mag-Landfall sa Batanes o Babuyan Islands sa Lunes | Taguig Balita
Language: Switch to English
