Bumagal ang Bagyong Ramil (international name: Fengshen) habang tinatahak ang kanluran hilaga kanluran sa karagatang nasa silangan ng Sorsogon. Ang bilis ng bagyo ay nasa 15 kilometro kada oras.
Namataan ito sa 260 kilometro sa silangan ng Juban, Sorsogon habang dala ang hanging 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kilometro kada oras.
Posibleng bumagsak ito sa kalupaan ng Catanduanes o bumagtas malapit dito ngayong hapon o gabi.
Makalipas ito ay dadaan ang bagyo malapit sa Vinzons, Camarines Norte at Polillo Islands bukas ng umaga, Oktubre 19.
Posibleng may isa lang landfall sa Aurora o Isabela. Posibleng lumabas naman ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Oktubre 20, Lunes ng umaga.
Nakataas ngayon ang Wind Signal Number 2 sa mga probinsya sa
Luzon kabilang ang sumusunod:
Camarines Norte, Catanduanes, hilagang Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, San Jose, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan, Presentacion), at Polillo Islands
Signal number 1 naman sa mga lalawigan sa Luzon kabilang ang:
Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, silangang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Angat), silangang Tarlac (Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, Paniqui, Moncada, San Manuel, Anao, Ramos, Pura, Victoria, City of Tarlac, La Paz, Concepcion, Gerona), silangang Pampanga (Magalang, Arayat, Candaba), hilaga at silangang Quezon (Tagkawayan, Perez, Alabat, Quezon, Atimonan, Padre Burgos, Unisan, Gumaca, Plaridel, Agdangan, Pagbilao, Mauban, Calauag, Guinayangan, Lopez, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan, San Narciso, Buenavista, San Francisco, San Andres, Mulanay, General Nakar, Infanta, Real, Sampaloc) kasama ang Polillo Islands, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias Island, at Ticao Island
Sa Visayas:
Northern Samar, hilagang Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Oras, Dolores, Maslog, Jipapad, Taft, Can-Avid), hilagang Samar (Matuguinao, San Jose de Buan, Calbayog City, Gandara, Santa Margarita, Pagsanghan, San Jorge)
May posibilidad na maitaas pa sa Wind Signal Number 3 ang babala sa bagyong Ramil.
Magpapaulan ang bagyo kasama ang easterlies sa mga lalawigan sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, ngayong Oktubre 18, 2025.
(Mga larawan ng PAGASA)
Bagyong Ramil, Bumagal Habang Lumalakas; Catanduanes at Aurora o Isabela ang Posibleng Bagsakan; Exit na sa PAR sa Lunes | Taguig Balita
Language: Switch to English
