Nasa ibabaw ngayon ng Manila Bay ang Tropical Storm na si Ramil (Fengshen) sa pinakahuling radar report ng PAGASA kaninang alas 10:00 ng umaga.
Dala nito ang hanging 65 kilometro kada otas malapit sa gitna at may pagbugsong 90 kilometro kada oras, at gumagalaw sa 15 kilometro kada oras.
Nakataas ngayon ang Signal Number 2 sa Metro Manila kabilang ang Taguig, at ang iba pang lugar sa hilaga at gitnang bahagi ng Metro Manila (Caloocan City, Quezon City, City of Valenzuela, City of Marikina, City of Malabon, City of Navotas, City of Pasig, City of San Juan, City of Mandaluyong, City of Manila, City of Makati, Pateros, Pasay City, City of Parañaque).
Gayundin sa sumusunod na lugar sa Luzon:
Timog Silangang Quirino (Nagtipunan, Maddela, Aglipay), gitna at timog Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Bambang, Aritao, Kayapa, Santa Fe, Kasibu), gitna at timog Benguet (Itogon, Bokod, Atok, Kapangan, Tublay, La Trinidad, Baguio City, Tuba, Sablan), gitna at timog La Union (Rosario, Pugo, Tubao, Santo Tomas, Agoo, Aringay, Caba, Naguilian, Burgos, Bagulin, Bauang, City of San Fernando, San Juan, San Gabriel, Bacnotan, Santol, Balaoan, Luna), Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, the northern portion of Bataan (Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Morong, Pilar, City of Balanga), Rizal, hilagang Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan, Cavinti, Lumban, Paete, Kalayaan, Pakil, Pangil, Mabitac), at hilagang Quezon (General Nakar, Real, Infanta, Mauban, Perez, Alabat) kasama ang Pollilo Islands.
Ito ang ika-20 bagyo simula pa noong 1948 na direktang sasagasa sa National Capital Region. Ang pinakahuling bagyong direktang dumaan sa Metro Manila ay ang bagyong Paeng noong 2022.
(Mga larawan ng PAGASA)
Bagyong Ramil, Nasa Ibabaw ng Manila Bay; Signal Number 2 sa Metro Manila | Taguig Balita
Language: Switch to English
