Nasa Tagkawayan, Quezon na ang bagyong Ramil (international name: Fengshen) ngayong ala 1:00 ng madaling araw, Oktubre 19, 2025, at napanatili nito ang lakas sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong 110 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito sa bilis na 30 kilometro bawat oras patungong kanluran hilagang kanluran sa Kabikulan.
Magkakaroon ng huling landfall ang bagyo sa bisinidad ng Aurora o Northern Quezon ngayong umaga o hapon.
Hindi rin inaalis ang posibilidad na sa katimugang Isabela babagsak sa kalupaan ang bagyong Ramil sa halip na sa Aurora.
Makaraan ang huling landfall sa Pilipinas, babaybayin ng bagyong Ramil ang kabundukan ng Northern Luzon at lilitaw muli sa katubigan ng Pangasinan o La Union ngayong gabi.
Tinatayang bukas ng umaga, Oktubre 20, ay nakaalis na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
(Mga larawan ng PAGASA)
Bagyong Ramil, Posibleng Mag-Landfall Pa sa Aurora o Northern Quezon o Southern Isabela Ngayong Aeaw, Oktubre 19 | Taguig Balita
Language: Switch to English
