Nasa Tagkawayan, Quezon na ang bagyong Ramil (international name: Fengshen) ngayong ala 1:00 ng madaling araw, Oktubre 19, 2025, at napanatili nito ang lakas sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong 110 kilometro bawat oras.

News Image #1


Kumikilos ito sa bilis na 30 kilometro bawat oras patungong kanluran hilagang kanluran sa Kabikulan.

Magkakaroon ng huling landfall ang bagyo sa bisinidad ng Aurora o Northern Quezon ngayong umaga o hapon.

Hindi rin inaalis ang posibilidad na sa katimugang Isabela babagsak sa kalupaan ang bagyong Ramil sa halip na sa Aurora.

News Image #2


Makaraan ang huling landfall sa Pilipinas, babaybayin ng bagyong Ramil ang kabundukan ng Northern Luzon at lilitaw muli sa katubigan ng Pangasinan o La Union ngayong gabi.

Tinatayang bukas ng umaga, Oktubre 20, ay nakaalis na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

(Mga larawan ng PAGASA)