Ang Gitna at Katimugang Luzon ang babagtasin ng Bagyong Ramil batay sa pinakahuling taya sa panahon ng PAGASA.
Posibleng mag-landfall ang Tropical Depression na si Ramil bukas, Oktubre 18, sa Catanduanes.
Mula rito ay magtutungo ito sa kanluran, hilagang kanluran habang binabagtas naman ang mainland Bicol Region bukas ng gabi.
Posibleng magkaroon ito ng ikalawang pagbagsak sa lupa sa Aurora o Quezon sa Linggo, Oktubre 19, 2025
[Photo2]
Makaraan ang landfall, maaari ring sagasaan ng Bagyong Ramil ang Northern at Central
Luzon bago makarating ng West Philippine Sea sa Linggo ng hapon o gabi.
Tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Ramil sa Lunes, Oktubre 20, 2025.
Kung liliko sa timog ang bagyo, maaaring magbago ang landfall area nito at mas dadami ang probinsyang maisasailalim sa Wind Signal.
Patuloy na lalakas ang bagyong Ramil hababg nasa Philippine Sea at posibleng umabot sa tropical storm category sa susunod na 12 oras.
Posible ring lumakas ito bilang tropical storm bago mag-landfall.
Kaninang alas 7:00 ng gabi, ang sentro ng Bagyong Ramil ay nasa 595 kilometro silangan ng Juban, Sorsogon.
May dala itong hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 70 kilometro kada oras.
Nakataas na ang Wind Signal Number 1 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, silangang Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig), Ifugao, silangang Pangasinan (San Nicolas, Natividad, Umingan, Tayug, San Quintin, Santa Maria, Balungao, Rosales), Aurora, Nueva Ecija, silangang Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso), hilaga at silangang Quezon (Tagkawayan, Perez, Alabat, Quezon, Atimonan, Padre Burgos, Unisan, Gumaca, Plaridel, Agdangan, Pagbilao, Mauban, Calauag, Guinayangan, Lopez, Pitogo, Macalelon, General Luna, Catanauan, San Narciso, Buenavista, San Francisco, San Andres, Mulanay, General Nakar, Infanta, Real, Sampaloc) kasama ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, at Ticao Island.
Visayas:
Northern Samar, hilagang Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Oras, Dolores, Maslog, Jipapad, Taft, Can-Avid), hilagang Samar (Matuguinao, San Jose de Buan, Calbayog City, Gandara, Santa Margarita, Pagsanghan, San Jorge).
(Larawan ng PAGASA)
Bagyong Ramil, Posibleng Mag-Landfall sa Catanduanes Bukas, Oktubre 18; May Second Landfall sa Aurora Batay sa Forecast ng PAGASA | Taguig Balita
Language: Switch to English
