Nasunog ang isang bahay sa Barangay Central Bicutan, Taguig City noong gabi ng Abril 25, 2024.


(Video ni ALERT 17)

Kasunod nito ay nag-apoy naman ang poste sa kalapit na lugar na naging dahilan ng pagkawala ng kuryente sa magdamag.


(Video ni Baby Michael)

Sa panayam ng Taguig.com kay Alert 17 ng A.L.E.R.T Team (fire volunteers) ng Barangay Lower Bicutan, Taguig City, alas 7:17 ng gabi nang itawag sa kanila ang sunog sa Block 146, Lots 3 and 5 Contreras Street, Barangay Central Bicutan.

News Image #1

(Kuha ni Alert 17)

Ayon naman sa Bureau of Fire Protection, dalawang pamilya ang nakatira sa bahay. Wala namang nasaktan sa naturang sunog.

News Image #2

(Kuha nina Jayson Pulga at Dek Terante)

Nakontrol ang sunog ng alas 7:59 ng gabi at ganap na naapula bandang alas 8:22 ng gabi, batay sa report ng BFP.

News Image #3

(Kuha nina Jayson Pulga at Dek Terante)

Kasunod naman ng sunog ang pagputok ng isang poste sa Cristobal Street Barangay Central Bicutan, malapit sa Gabby's School .

Sinabi sa Taguig.com ni Baby Michael na nawalan sila ng kuryente sa naturang kalye mula gabi ng Abril 25 hanggang hapon ng Abril 26.

Nagtungo ang mga tauhan ng Meralco sa lugar ng umaga ng Abril 26 upang palitan ang mga kawad na nasunog.

News Image #4

(Larawan ni Baby Michael)

Batay sa inisyal na ulat, overloading o sobrang dami ng gumagamit ng kuryente ang dahilan ng pagputok ng kuryente sa poste sa Cristobal Street.