May bagong kampeon sa Regatta sa Taguig o karera ng mga bangka na isinagawa sa Barangay Bambang, Taguig City kahapon, Hulyo 24, 2026.
Sa pagsisimula ng Taguig River Festival bilang bahagi ng selebrasyon ng Kapistahan ni Santa Ana, 12 mga barangay ang naglaban sa bilis ng pagsagwan sa kanilang bangka sa ilog.
Nag-kampeon ang Barangay Bagumbayan na nakatanggap ng ₱25,000.
Ang kampeon naman noong isang taon na Barangay Napindan ay ang 1st runner-up at nakatanggap ng ₱15,000 na premyo.
Second runner-up ang Barangay Sta. Ana na nakakuha ng ₱10,000 na premyo.
"Bilang isang lungsod na malaking bahagi ang ilog at lawa sa kasaysayan at kabuhayan ng ating mga kababayan, mahalagang bahagi ng ating kultura ang karera ng bangkang lunday upang ipagdiwang ang ating pagkakilanlan bilang mga Taguigeño," ang pahayag ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa kanyang social media post.
Nakipagtulungan din sa Taguig City Government upang maging ligtas at masaya ang Regatta 2026 ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police-Taguig, Bureau of Fire Protection-Taguig, Lake and River Management Office (LRMO) at iba pang mga departamento ng Lungsod.
(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)
Barangay Bagumbayan, Kampeon sa Regatta 2026 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
