May bago nang opisina ng barangay at ekstensyon ng serbisyo ng Taguig City Hall sa Barangay South Signal, Taguig City.
Pormal na pinasinayaan noong Abril 12, 2025 ang Magsaysay Multipurpose Building na may tatlong palapag sa naturang barangay.
Kasabay nito ang paglalagay ng 99 bagong streetlights sa Barangay South Signal.
Ang bagong pasilidad ang kinalalagyan ngayon ng opisina ng Barangay Chairman, mga Kagawad, Secretary, Treasurer, at Security Force ng Barangay South Signal.
Mayroon ding inilagay na satellite offices ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO), Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) at may opisina rin dito ang Bureau of Fire Protection.
Mayroon din itong dalawang Day Care Centers at palaruan, at isang community playing court.
Pinasalamatan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pagtulong nina Senator Alan Cayetano, Vice Mayor Arvin Alit, City Council, Liga ng mga Barangay President Jorge Daniel Bocobo, at ang Department of Public Works and Highways sa pagkakabuo ng gusali.
"We are grateful especially to our taxpayers dahil sa buwis po ng bayan ay nakakagawa tayo ng mga programa na nakakapagpabago sa ating mga komunidad at nakakapagpaginhawa ng buhay ng ating mga kababayan. Ito po ay bahagi ng vision natin to be a Transformative, Lively and Caring city - intensifying our programs for peace and order para sa mas ligtas na barangay at mga tahanan at mapadali po ang ating mga transaksyon sa mga programa para po sa bawat Taguigeño, ang pahayag ni Cayetano.
(Mga larawan mula sa Taguig PIO)
Barangay South Signal, May Bagong Barangay Office; Extension din ng Taguig City Offices | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
