Bawat buhay ay mahalaga sa Bureau or Fire Protection (BFP) - Taguig City.

Isang concerned citizen ang humingi ng tulong aa
BFP Taguig Special Rescue Force at E-06 duty personnel kaugnay ng isang kuting na na-trap sa isang imburnal sa pagpasok sa Acacia Estate at kanto ng MRT Avenue sa Barangay Hagonoy, Taguig City noong pasado alas 6:00 ng gabi ng Abril 18, 2024.

News Image #1


Pinangunahan ng SRF duty personnel team leader na si FO3 Froilan B Armenta at kasamang si SFO1 Allen Dave Gutierrez ang pagliligtas sa kuting.

News Image #2


Nahirapan silang tanggalin ang takip ng imburnal kaya't humingi sila ng tulong sa mga welder sa malapit na sina Daniel Guinucod at lan Ceazar Rosare.

Halos tatlong oras ding isinagawa ang pagliligtas sa kuting dahil napakakapal ng bakal na takip at malalim din ang kinahulugan ng kuting.

News Image #3


Pagkaligtas sa puting kuting, agad na nagboluntaryo ang concerned citizens na sina Jacqueline Gulrajani at Daniel Silud na ampunin ang kuting.

Sa panahon ng emergency, sinabi ng BFP - Taguig na handa silang tumugon basta't tumawag lamang sa 8837-0740 / 8837-4496 / 0906-211-0919 o sa
National Emergency Hotline 911.

(Mga larawan mula sa BFP - Taguig)