Abala ang Bureau of Fire Protection (BFP) National Capital Region (NCR) - Taguig City sa pagbabantay sa mga pinupuntahan ng mga publiko ngayong Semana Santa.

Sa pamamagitan ng Lakbay Alalay 2024, nagpalabas ang BFP NCR Taguig ng mga tauhan nito upang tiyakin ang seguridad at alalayan ang kalusugan ng mga nag-bi-bisita Iglesia at nagba-biyahe simula kahapon, Huwebes Santo, hanggang sa Marso 31, Pasko ng Pagkabuhay.

News Image #1


Naka-high alert ang mga tauhan ng BFP NCR-Taguig sa mga simbahan, establisamyento tulad ng mga malls, paradahan ng sasakyan at maging sa lugar ng mga kabahayan sa iba't ibang barangay sa Taguig City.

Kahapon, Marso 28, 2024, ang Engine 3 at Engine 185 sa ilalim ng pamamahala ni FSInsp. Demetrio Sablan, Jr., Chief ng Operations Section, ay nagbantay sa Maria Reyna ng mga Apostoles Parish sa Barangay Pinagsama at sa Santo Niño De Taguig sa Brgy. North Signal, Taguig City.

News Image #2


News Image #3


Ang Engine 6 at EMS Ambulance-01 personnel naman ay pinagbantay sa Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of Santa Ana.

News Image #4


Ang mga tauhan naman ng Engine 8 ay nagbantay sa Sagrada Familia, Barangay Bagumbayan.

News Image #5


Ang mga tauhan ng Engine 4 ay idineploy sa Our Lady of the Poor Parish sa Barangay Western Bicutan.

News Image #6


At ang EMS Ambulance-02 personnel, sa ilalim ng pamumuno ni FSSupt. Eddie Tanawan, City Fire Marshall, ay nagbantay naman sa FTI Bus Terminal sa Barangay Western Bicutan.

News Image #7


Samantala, ang Engine 5 personnel ay sa TLC Lakeshore, Barangay Lower Bicutan naman nagbantay kung saan naroon ang The Life of Christ exhibit at may konsiyerto rin ng alas 6:00 ng gabi.

News Image #8


Bukod sa pagbabantay at pagbibigay ng medical assistance, nagbigay rin ng libreng tubig ang BFP NCR Taguig City lalo na at matindi ang init kahapon, kung saan umabot ito ng 43 degrees Celsius bandang alas 2:00 ng hapon.

Kung mayroong sunog o anumang emergencies, ipinaalala ng BFP NCR Taguig na maari silang tawagan sa kanilang hotline numbers: 8837-0740 / 8837-4496 / 0906-211-0919 at National Emergency Hotline:911.

(Mga larawan mula sa BFP-NCR Taguig Facebook Page)