Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area sa Calayan, Cagayan at tinawag itong Bising.
Kaninang alas 4:00 ng umaga, Hulyo 4, 2025, ang sentro ng bagyong Bising ay nasa 200 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan
Tinatayang ang lakas nito ay 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 55 kilometro kada oras, at may central pressure na 1002 hPa.
Gumagalaw ito patungong timog kanluran ng 20 kilometro kada oras.
Ang malakas na hangin ay umaabot sa 200 kilometro mula sa gitna ang nasasakupan.
Ang mga nakataas na sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ay ang mga sumusunod:
* Ang kanlurang bahagi ng
Babuyan Islands (Calayan Island at Dalupiri Island)
* Hilaga kanlurang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin, Dumalneg)
Patuloy na tatahakin ng Tropical Depression ang Bising ang kanluran sa susunod na 12 oras at maaaring lumabas sa Philippine Area of Responsibility ngayon ding araw na ito.
Maaari ring bumalik sa PAR sa kanluranh bahagi sa Linggo, Hulyo 6, 2025.
(Mga larawan ng PAGASA)
Binabantayang LPA, Bagyong Bising Na, Nakataas ang Signal 1 sa Babuyan Islands sa Cagayan at sa Kanlurang Ilocos Norte | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
