Bilang pagsusulong ng kaalaman kaugnay ng pagkalinga sa mga batang inabandona o wala nang mga tunay na magulang, isasagawa ng National Authority for Child Care (NACC) ang Bisigkleta Bike Ride and Fun Run 2026 sa Venice Grand Canal Mall, McKinley Hill, Taguig City sa Hunyo 14, 2026.
Bukas na ang rehistrasyon para sa mga nais lumahok sa naturang kaganapan sa pamamagitan ng online portal na ito ng NACC, isang nakakabit na ahensya ng DSWD.
https://portal.nacc.gov.ph/events/YO0C99
Ang Bisigkleta and Fun Run 2026 ay bahagi ng selebrasyon sa Adoption and Alternative Child Care Week (AACCW) na ang tema ay "Love Makes a Family."
Ang AACCW ay isang taunang obserbasyon sa bansa na isinasagawa tuwing ikalawang linggo ng Hunyo.
Ito ay may mandato ng Republic Act No. 11642 na nagsusulong ng legal na pag-aampon at alternatibong pangangalaga tulad ng foster care sa mga ulila, inabandona o napabayaang mga bata na nagnanais ng matitirhang pamilya na magmamahal sa kanila.
"Bisigkleta" Bike Ride at Fun Run, Isasagawa sa Venice Grand Canal Mall sa Hunyo 14 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
