Itinaas na sa blue alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (NDRRMOC) mula sa white ang paghahanda dahil sa Low Pressure Area (LPA) na nasa silangan ng Tuguegarao, Cagayan epektibo Hulyo 2, 2025 ng alas 5:00 ng hapon.
(Larawan ng NDRRMOC)
Ito ay upang mas mamonitor ng husto ang naturang LPA at ang epekto nito sa mga mamamayan, at epektibo ring koordinasyon sa mga ahensya at opisina.
"The said alert indicates the LPA (06h) was estimated at 230 km East of Tuguegarao City, Cagayan and the Tropical Depression (formerly 07a) was estimated at 2,675 km East Northeast of Extreme Northern Luzon with maximum sustained winds of 55 km/h and gustiness of 70 km/h moving north northwestward at 15 km/h," ang pahayag ng NDRRMOC.
Sa ngayon, wala pang naitatalang matinding pagbabaha o landslides sa anumang lugar sa bansa bunga ng Habagat at LPA.
Blue Alert na ang NDRRMOC Dahil sa LPA at Habagat | Taguig Balita
Language: Switch to English
