Naglagay ng bollards ang Barangay San Miguel, Taguig sa may Eusebio Elementary School upang maprotektahan ang mga dumadaang pedestrians sa lugar.

News Image #1


Ang Bollard Project na pinangunahan ni Kapitan Arnold Fabian at buong Sangguniang Barangay ng San Miguel ay naglalayong mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral at guro sa naturang eskwelahan.

News Image #2


Gayundin, nilalayong maging ligtas ang iba pang mamamayan na dumadaan sa lugar.

"Ang paglalagay ng mga bollard na magsisilbing proteksyon at gabay sa maayos na daloy ng trapiko at mga pedestrian," ang pahayag ng Barangay San Miguel.

(Mga larawan ng Barangay San Miguel)