₱900 milyon ang budget ngayong taong ito ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig para pag-aralin ang libo-libong iskolar na Taguigeño sa ilalim ng Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship.
Sa pinakahuling tala noong Disyembre 2024, umaabot na sa 123, 000 ang mga napag-aral ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng allowance na ibinibigay sa mga ito.
Nakalikha na rin ang Taguig Scholarship Program na ito ng 4,546 licensed professionals kabilang ang 1,528 engineers, 1,008 professional teachers, 511 nurses, 69 lawyers, at 61 medical doctors, at iba pa.
Noong nakaraang Miyerkules, Pebrero 5, 2025, natanggap ng mga iskolar ng Taguig ang kanilang allowance sa ika-anim na araw ng distribusyo nito sa Taguig City University Auditorium.
Mahigit sa 2, 400 na iskolar ang nakatanggap ng kanilang allowance para mas maging magaang ang kanilang gastusin sa pag-aaral.
Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na layunin ng Pamahalaang Lungsod ng patuloy na makapag-aral ang mga kabataan lalo na at nagsisikap naman na makatapos.
"In the City of Taguig, ang gusto natin lahat ng miyembro ng pamilya ay makapag-aral. Kaya ito ang disenyo ng ating scholarship program - bukas para sa lahat ng nais na makapag-aral. I always say: When we invest in education, we are actually investing in the city's strong foundation. Walang lugi kapag nag-invest ka sa education, ang pahayag ni Cayetano.
Mula sa ₱750 milyon na budget noong 2022, lumaki ang budget ng Taguig Scholarship program, na ito sa ₱800 milyon noong 2023, ₱850 milyon noong 2024, at ngayong 2025 ay nasa ₱900 milyon na.
(Mga larawan ng Taguig PIO)
Budget ng LANI Scholarship Program ngayong 2025, Nasa P900 Milyon Na; Nagpamahagi ng Allowance sa Taguig Scholars noong Miyerkules | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
