Nagkaroon ng pagsabog ang. Bulkang Kanlaon sa Negros na naging dahilan para bumaba sa dalisdis ng bulkan ang pyroclastic density currents (PDC).

News Image #1

(Larawan ng View of Kanlaon Facebook Page)

Naganap ang bahagyang malakas na pagsabog sa Bulkang Kanlaon kagabi, Pebrero 26, 2026 ng alas 7:04.


(Video ng Phivolcs)

Tumagal ang pagsabog ng 2 minuto at nagpalabas ito ng usok na umabot sa 2,500 metro sa ibabaw ng bunganga ng bulkan.

"Incandescent ballistics were observed to have rained around the crater while pyroclastic density currents or PDCs descended the eastern and southeastern upper slopes within 2 kilometers of the summit crater," ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nasundan ito ng tuloy tuloy na pagbuga ng abo.

Pinag-aaralan ng Department of Science and Technology (DOST)-Phivolcs kung magkakaroon ng pagbabago sa kasalukuyang Alert Level Status ng bulkan.

Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.

Ang Bulkang Mayon naman ay nagpalabas ng uson kahapon ng umaga. Ito naman ay nasa Alert Level 3.

Ang Bulkang Taal naman ay nasa Alert Level 1.