Nag-aalok ang Social Security System (SSS) ng calamity loan para sa mga naapektuhan ng bagyong Carina at habagat lalo na sa Metro Manila at kabuuan ng Luzon.
Hanggang P20, 000 ang maaaring hiramin ng mga SSS members sa mga lugar na tinamaan ng bagyo. Ang pautang ay maaaring bayaran ng dalawampu't apat na buwanang installment na ang taunang interes ay 10 porsiyento.
Ang aplikasyon ay maaaring gawin sa website na: www.sss.gov.ph kung saan mada-download din ang digital copy ng calamity application form loan.
Kailangan lamang na may 36 na buwanang kontribusyon na sa SSS ang miyembro, ang anim na hulog ay kailangang naka-post na sa loob ng nakaraang 12 buwan bago sila mag-apply ng calamity loan.
Kailangan ding nakatira o namumuhay sa isang idineklarang calamity area, hindi hihigit sa 65 taon sa panahon ng aplikasyon, walang final benefit claim sa SSS tulad ng permanent total disability o pagreretiro, walang utang sa SSS na short-term member loan at wala ring utang na calamity loan o restructured loan.
Kapag naaprubahan, ang pautang ay ike-credit sa rehistradong Unified Multi-Purpose Identification (UMID)-ATM card ng miyembro o sa kanilang aktibong account sa Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating bank.
May isasagawa ring webinar ang SSS kaugnay ng calamity loans ngayong Hulyo 31, 2024.
Para sa dagdag na impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa email: [email protected] o sa portal: http://crms.sss.gov.ph. Puwede ring magtanong sa Facebook Page ng SSS: https://www.facebook.com/MYSSSPH
(Mga larawan mula sa SSS Facebook Page)
Calamity Loan, Iniaalok ng SSS | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
