Isang Cambodian national na wanted sa China ang naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong Marso 21, 2024 makaraang dumating sa bansa mula sa Phnom Penh, Cambodia.

Ang 35 taong gulang na si Bai Longhao ay nasa listahan ng Interpol dahil sa kaugnayan nito sa cybercrime.

News Image #1


Ayon kay BI-Interpol acting chief Jaime Bustamante, si Bai ay may kasong "assisting in information network crimes" na isinampa laban sa kanya sa China.

Nagpalabas ng arrest warrant laban sa kanya ang public security bureau sa Jian, Jilin province makaraang magsilbing financial payment at settlement service ng ilang mga sindikatong may kinalaman sa panloloko sa telekomunikasyon mula Abril 2021 hanggang Marso 2023.

Umabot sa 20 milyong yuan o US$2.7 million ang kinita ni Bao at ng kanyang kapartner sa sindikato na pinaniniwalaan ng mga otoridad na ipinasok sa money laundering sa Cambodia.

Si Bao ay inilagay na agad sa blacklist ng BI.

(Larawan mula sa Bureau of Immigration)