Arestado ang isang 25 taong gulang na Chinese national na nagtrabaho sa isang online gaming hub sa bansa na na-raid ng mga otoridad noong isang taon.

News Image #1

(Larawan mula sa Bureau of Immigration)

Ang Chinese national na si Zhu Yuanjiang ay nahuli sa tinitirhan nitong bahay sa isang subdivision sa Paranaque City noong Abril 19, 2024 makalipas na lumampas ang panahon ng pamamalagi nito sa bansa.

Si Zhu ay inaresto base sa warrant of deportatiomn na ipinalabas laban dito ng Bureau of Immigration board of commissioners nang ipag-utos ang pagpapatapon nito palabas sa bansa noong isang taon pa.

Ang deportation order ay para rin sa pagta-trabaho ni Zhu sa bansa na walang work permit.

Napag-alaman na si Zhu ay dating nagtrabaho sa Xinchuang Network Technology Inc., isang online gaming hub sa Pasay City na ni-raid ng mga otoridad noong Hunyo ng nakaraang taon dahil umano sa mga kriminal na aktibidad nito tulad ng human trafficking at cyber fraud.

Nakadetine ngayon si Zhu sa Immigration detention facility sa Camp Bagong Diwa Taguig City at nakatakda nang itapon pabalik sa bansa nito.