Walang pasok sa mga eskwelahan at opisina bukas, Pebrero 17, 2026, bilang selebrasyon ng Chinese New Year.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Ito ay batay sa Presidential Proclamation No. 1006 na nagdedeklara sa Chinese New Year bilang special non-working holiday.

Kasabay nito, sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na sinususpinde rin ang expanded number coding sa Metro Manila.


Samantala, sinabi naman ng Department of Labor, sa kanilang Labor Advisory No. 1 Series of 2026, na ang mga empleyado ay dapat na bayaran batay sa sumusunod:

* Kung ito ay hindi magta-trabaho sa panahon ng special non-working holiday, hindi rin ito makakatanggap ng kabayaran o "no work, no pay" maliban na lamang kung may ibang patakaran ang kumpanya sa ganitong sitwasyon
* Para sa magta-trabado sa espesyal na araw na ito, ang employer ay magbabayad ng dagdag na 30% ng basic wage sa unang 8 oras ng pagta-trabaho (basic wage x 130%)
* Kapag nagtrabaho ng higit sa 8 oras, ang employer ay magbabayad ng dagdag na 30% sa hourly rate sa naturang araw (hourly rate of the basic wage x 130% x 130% x number of hours worked)
* Kapag ang special day ay tumapat sa rest day ng empleyado at nagtrabaho ito, ang employer ay magbabayad ng dagdag na 50% ng basic wage sa unang walong oras ng trabaho (basic wage x 150%)
* Kapag ang trabaho ay higit pa sa walong oras sa special day na ito na rest day rin ng empleyado, ang employer ay magbabayad ng dagdag na 30% sa bawat oras sa araw na yun (hourly rae of the basic wage x 150% x 130% number of hours worked).