Umabot hanggang gutter ang baha kaninang pasado alas 8:00 ng gabi, Hulyo 27, 2026, sa Chinp Roces Avenue Extension, dating Pasong Tamo Extension, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.



News Image #1


Sa video ni Barangay Captain Sonny Vertulfo ng Fort Bonifacio, sinabi nitong tumaas ang tubig baha sa naturang kalye at karatig-lugar dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Mabilis namang humupa ang baha dahil sa madalas na paglilinis o pagde-declog ng barangay, volunteers, Pamahalaang Lungsod ng Taguig at ng Flood Management Office (FMO) ng mga creeks, kanal at iba pang daluyan ng tubig sa lugar.

News Image #2


"Ang inisyatibong ito ay malaking hakbang upang mapabilis ang paghupa ng baha, mabawasan ang panganib sa komunidad, at mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan. Ang inyong dedikasyon at maagap na pagkilos ay malaking ambag sa pagpapabilis ng paghupa ng baha, pangangalaga sa kaligtasan ng ating mga mamamayan, at pagpapanatili ng kaayusan sa ating barangay," ang pahayag ni Vertulfo.

Larawan ni Kapitan Sonny Vertulfo.