Dahil sa checkpoint ng Taguig City Police, natuklasang may dalang hindi lisensyadong baril ang isang sakay ng traysikel sa Barangay Santa Ana, Taguig City
Inaresto ng mga tauhan ng Taguig City Police Station Sub-Station 4 ang isang 22 taong gulang na lalaki makaraang tangkain nitong tumakas sa isang regular na checkpoint sa DMC Street corner Bambang ni Peles noong 11:05 ng gabi ng Hunyo 25, 2026 sa nasabing barangay.
(Larawan ng Taguig Police)
Nakumpiska sa lalaki ang isang hindi lisensyadong semi-automatic handgun at mga bala.
Ayon sa mga tauhan ng Taguig Police, habang bineberipika nila ang lisensya at mga papel ng nagmamaneho ng traysikel, bigla na lamang sumigaw ang pasahero at kinwestyon kung bakit sila ay pinahinto ng mga pulis.
Tinapatan ng flashlight ng mga pulis ang suspek upang inspeksyunin din ito nang bigla itong tumalon mula sa traysikel at itinulak pa umano ang isang pulis.
Hinabol ang suspek ng mga pulis at nalaglag mula sa suspek ang isang baril.
Naabutan ng mga pulis ang suspek at agad na inaresto ito.
Ang nalaglag na baril sa suspek ay isang walang lisensyang Glock 17 Gen 4 9mm caliber pistol na mayroong magazine at may lamang 8 bala.
Nahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Article 151 ng Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or its Agents).
Dahil sa Checkpoint ng Taguig Police sa Barangay Santa Ana, 22 Anyos na Lalaki, Nahulihan ng Baril na Walang Lisensya | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
