Dalawang araw na magsasagawa ng pambansang transport strike at noise barrage ang iba't ibang grupo sa Marso 26 hanggang 27, 2026 bunga ng patuloy na tumataas na halaga ng mga produktong petrolyo.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Ayon kay Aya Clamor ng Sanlakas, ang mga sectoral groups ay magsasagawa ng mga kilos protesra kasama ang Manibela na magsaagawa ng transport strike.

Plano rin nilang mag-martsa mula sa Welcome Rotunda sa Quezon City patungong Mendiola sa Manila.

Sinabi ni Manibela chairperson Mar Valbuena na sasama sa transport strike ang drivers at operators ng mga public utility vehicles, motorcycle taxis, at transport network vehicle services. 

Noong isang linggo, ang transport group na Piston naman ang nagsagawa ng dalawang araw na strike upang ipanawagan sa pamahalaan na tanggalin na ang oil deregulation law, magimplementa ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo at suspindihin ang pagpapataw ng value added tax at excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ayon sa ilang mga jeepney drivers, umaabot na lamang sa ₱200 hanggang ₱300 ang kanilang kinikita sa pagba-biyahe ng mahabang oras makaraang umangat na sa ₱120 kada litro ang diesel.