Dalawang senador ang ibinulgar ng dating DPWH Assistant District Engineer ng Bulacan na si Brice Hernandez na may kinalaman sa ghost flood mitigation projects sa Bulacan at nakipag-negosasyon umano kay dating District Engineer Henry Alcantara.
(Screenshot mula sa pagdinig ng Kongreso)
Inihayag ni Hernandez na sina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva ay naglagay ng milyon-milyong piso sa iba't ibang flood control projects sa Bulacan, partikular sa Hagonoy, Calumpit at Malolos, Bulacan.
Kapalit umano nito ang 30% hati sa pondo na "standard operation procedure" o "SOP" para sa mga senador, at 3% naman umano ang napupunta kay Alcantara.
Sinabi ni Hernandez sa pagdinig sa Kamara de Representantes kaninang umaga, Setyembre 9, 2025, na nakapag-isip-isip siya ng mabuti habang nasa detensyon sa Senado kagabi bunga naman sa pagkaka-cite in contempt dahil diumano sa pagsisinungaling.
Dalawang Senador Sangkot Umano sa Ghost Flood Projects, Ibinulgar ng Dating DPWH Asst. District Engineer na si Brice Hernandez | Taguig Balita
Language: Switch to English
