Dalawang senador ang ibinulgar ng dating DPWH Assistant District Engineer ng Bulacan na si Brice Hernandez na may kinalaman sa ghost flood mitigation projects sa Bulacan at nakipag-negosasyon umano kay dating District Engineer Henry Alcantara.

News Image #1

(Screenshot mula sa pagdinig ng Kongreso)

Inihayag ni Hernandez na sina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva ay naglagay ng milyon-milyong piso sa iba't ibang flood control projects sa Bulacan, partikular sa Hagonoy, Calumpit at Malolos, Bulacan.

Kapalit umano nito ang 30% hati sa pondo na "standard operation procedure" o "SOP" para sa mga senador, at 3% naman umano ang napupunta kay Alcantara.

Sinabi ni Hernandez sa pagdinig sa Kamara de Representantes kaninang umaga, Setyembre 9, 2025, na nakapag-isip-isip siya ng mabuti habang nasa detensyon sa Senado kagabi bunga naman sa pagkaka-cite in contempt dahil diumano sa pagsisinungaling.