Nanumpa bilang bagong General Manager ng state television na People's Television Network, Inc. PTV-4 si dating Taguig City Mayor Lino Edgardo Cayetano.
Pinangunahan ni Presidential Communications Office Acting Secretary Dave Gomez ang panunumpa ni Cayetano sa Malakanyang.
"Former Mayor Cayetano brings with him a rare wealth of experience from the media, private, and the public sectors that would certainly take PTV-4 to greater heights in our ever-evolving multi-media landscape," ang pahayag ni Gomez.
Si Cayetano ay naging Kongresista noong ika-13 Kongreso at naging alkalde ng Taguig noong 2019 hanggang 2022.
Nagtapos ito ng Bachelor of Arts degree in Mass Communication sa University of the Philippines at nakuha ang Diploma sa Film mula sa New York Film Academy noong 1999.
Nakapag-direk si Cayetano ng mga primetime shows sa tatlong pangunahing television stations sa bansa bukod sa nagpo-produce at nagdidirek ng mga pelikula.
Pinalitan ni Cayetano bilang General Manager ng PTV-4 si Malou Fagar.
(Mga larawan ng Presidential Communications Office)
Dating Taguig Congressman at Mayor Lino Cayetano, Nanumpa Bilang Bagong GM ng PTV-4 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
