May bagong Kalihim ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa katauhan ni Juan Miguel Cuna na itinalaga ni Pangulong
Ferdinand Marcos Jr. bilang Acting Secretary.

News Image #1

(Larawan mula sa LinkedIn page ni Secretary Cuna)

Pinalitan ni Cuna si Raphael Lotilla na itinalaga bilang Philippine Ambassador to the Holy See.

Si Cuna, na isang abogado, ay naging Undersecretary na rin ng DENR noong 2017.

Naging Director din ito ng DENR mula 2010 hanggang 2015 at Assistant Secretary ng Kagawaran.

Si Cuna ay nagsilbi ring Provincial Environment and Natural Resources Officer sa DENR mula 2008 hanggang 2010.

Nagtrabaho rin si Cuna bilang Director IV sa Presidential Legislative Liaison Office sa
Ilalim ng Office of the President mula 1998 hanggang 2001.

Tiniyak nina Cuna at Lotilla na magkakaroon ng maayos na paglilipat ng tungkulin at hindi maaapektuhan ang operasyon ng DENR.